KONEKTAO - DJ Medmessiah feat. Palos & JMara Offical MV

Title - Konektao Written by Palos & Jmara Prod. by DJ Medmessiah Shot by Jado Executive Produced by Morobeats Follow Palos ng Morobeats & JMara Socials KONEKTAO Lyrics : (1st Verse) Binuhay ang hayop at tao sa paglaon Pagtapos ng halaman namumunga na kahoy Sangkap ang kaalaman lakip ay pagbabago Kasangkapan ang lobo sa unang pangangaso Di mo ba nakukuha may aral na napupulot Kaylangan mo lang matutong lakaran ang itinuro Pagdaka’y mapagtantong nahawakan na ang ginto Alay ang kaloob sa naghanay at bumuo Mahalay na pakinabang higit pa sa salapi Makasama muna sa kama hakbang nya sa pagkamit Nagkabit ng pundasyong kakapit sa ambisyon Manggamit ng koneksyon hanggang dawit sa korapsyon Maling pakiramdam kung sa tingin mo ay tama Sa halip na inalam nasa liblib na ang masa Dalisay na impormasyon ika’y masasaktan Isang bagsak na lang kung ayaw mo ng hulugan (Chorus) Alam mo dapat! Halika hoy! Baka masunog ka kapagka-nagliyab ang apoy Lahat isipin mo munang mabuti bago mo sugalan Hindi lang ikaw ang anak ng... (2nd Verse) Hampas ng lubid aalon sa dulo Kung pasaan din ang hangarin ng puso Pintig ng dibdib alaala sa ulo Upang damahin sa bawat pagkatuto Oras na rin upang malimitahan Ang paghakbang ng pasulong baka makaligtaan Iba pa rin ang sa gulong nasanay paibaba Paitaas ay naroon ang pinanggalingan ng Lakas ng loob kahinaan ng isipan Ang mga kadugo ay paglaanan ng sipag Di mapapaluhod ng mga paghihirap Kahit na kasunod suliranin wag manghina Sarili dapat di ikahon, ano mang narating ituon, mga nalalabing panahon Para pumikit ang sarili Sulitin ang panandaliang koneksyon (Chorus) Alam mo dapat! Halika hoy! Baka masunog ka kapagka-nagliyab ang apoy Lahat isipin mo munang mabuti bago mo sugalan Hindi lang ikaw ang anak ng... #konektao #palos #jmara #djmedmessiah #morobeats
Back to Top